Panig militar ng Tsina: Gagamitin ang kinakailangang hakbangin para tanggulan ang teritoryo at soberanya

2023-03-31 14:40:04  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ng Hapon at Pilipinas hinggil sa mga aktibidad na militar ng Tsina sa South China Sea at East China Sea, ipinahayag Huwebes, Marso 30, 2023 ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-Bansa ng Tsina, na ang Diaoyu Islands at mga isla sa paligid nito ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina, at mayroon din ang Tsina ng soberanya ng mga isla at rehiyong pandagat sa South China Sea (SCS).


Idiniin ni Tan na gagamitin ng hukbong Tsino ang kinakailangang hakbangin para matatag na tanggulan ang pambansang teritoryo at soberanya at kapakanan at karapatang pandagat.


Sinabi ni Tan na palagiang nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko, at iginigiit na ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa ay dapat makabuti sa katatagan at kapayapaang panrehiyon, at hindi makatugon at makapinsala sa kapakanan ng ikatlong panig.


Saad ni Tan na matatag na tinututulan ng Tsina ang ideya ng Cold War at bloc confrontation ng iilang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil