Tsina at Singapore, itinatag ang komprehensibo at de-kalidad na partnership na nakatuon sa hinaharap

2023-04-01 17:08:03  CMG
Share with:

 

Sa kanilang pagtatagpo kahapon, Marso 31, 2023, sa Beijing, ipinatalastas nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibo at de-kalidad na partnership na nakatuon sa hinaharap.

 

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Singapore, na palakasin ang estratehikong pag-uugnayan at pagkokoordinahan, para totoong maging mataas sa kalidad ang kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Umaasa naman si Lee, na pasusulungin ng Singapore at Tsina ang mga malaking proyektong pangkooperasyon, at isasakatuparan ang pag-a-upgrade ng kasunduan sa malayang kalakalan ng dalawang bansa.

 

Sinabi rin niyang, pawang nakahanda ang Singapore at iba pang mga bansa sa rehiyong ito, na ibayo pang palalimin ang pakikipagkooperasyong pangkabuhayan sa Tsina.


Editor: Liu Kai