Ika-3 paglalakad sa kalawakan, natapos ng taikonaut ng Shenzhou-15

2023-04-02 14:44:28  CRI
Share with:

Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), alinsunod sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa taikonaut na si Deng Qingming, na nasa loob ng space station, isinagawa Marso 30, 2023 ng dalawa pang taikonaut ng Shenzhou 15 ng Tsina, na sina Fei Junlong at Zhang Lu ang ika-3 paglalakad sa kalawakan.


Matagumpay na natapos ang mga nakatakdang misyon, at ligtas na nakabalik sa Wentian lab module ang dalawang taikonaut, saad ng CMSA.


Salin: Lito

Pulido: Rhio