MoU sa substansyal na pagtatapos ng mga kasunod na negosasyon kaugnay ng FTA, pirmado ng Tsina at Singapore

2023-04-02 14:46:36  CRI
Share with:

Magkasamang nilagdaan Abril 1, 2023 nina Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Gan Kim Yong, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, ang isang Memorandum of Understanding (MoU) na tumitiyak sa substansyal na pagtatapos ng mga kasunod na negosasyon tungkol sa upgraded bilateral free trade agreement (FTA).


Kaugnay nito, patuloy na isasagawa ng kapuwa panig ang mga susunod na gawaing tulad ng pagsusuring pambatas at pagsasalin ng mga teksto, at tutupdin ang mga nakalaang misyon upang malagdaan ang kasunduan sa lalong madaling panahon.


Matatandaang noong 2008, nilagdaan ng Tsina at Malaysia ang FTA, at noong 2018, pinirmahan ng dalawang bansa ang pag-uupgrade nito.


Noong Disyembre ng 2020, muling ini-upgrade ng dalawang panig ang FTA at sinimulan ang mga kasunod na negosasyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio