Sa unang pagkakataon makaraan ang mahigit 10 taon: FM ng Syria, dumalaw sa Ehipto

2023-04-03 16:04:54  CMG
Share with:

Nag-usap Abril 1, 2023, sa Cairo, kabisera ng Ehipto, sina Sameh Shoukry, Ministrong Panlabas ng Ehipto, at Faisal Mekdad, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Syria.

 

Sina Ministrong Panlabas Sameh Shoukry ng Ehipto (kanan), at Faisal Mekdad, Ministrong Panlabas ng Syria


Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng ministrong panlabas ng Syria sa Ehipto nitong nakaraang mahigit 10 taon.

 

Umaasa si Mekdad na sa tulong ng mas maraming bansang Arabe, magkakaroon ng pagkakaisa upang makabalik ang Syria sa League of Arab States (LAS).

 

Matatandaang itiniwalag ng LAS ang Syria sapul nang sumiklab ang krisis sa bansa noong 2011.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio