Abril 2, 2023 ay ika-41 anibersaryo ng pagsiklab ng giyera sa Islas Malvinas.
Sa araw na ito, ipinagdiinan ni Pangulong Alberto Fernández ng Argentina na bahagi ng Argentina ang Islas Malvinas. Dapat panumbalikin ang soberanya ng islang ito sa Argentina sa mapayapang porma, saad niya.
Ayon sa kaukulang resolusyon ng United Nations (UN), muling ipinahayag ng Argentina ang lehitimong apelasyon nitong lutasin ang isyu ng Islas Malvinas sa pamamagitan ng talastasan.
Tungkol dito, hindi dapat patuloy na magbulag-bulagan ang politikong Britaniko.
Hindi nagiging malabo ang kasaysayan kasunod ng paglipas ng panahon. Kaugnay ng isyu ng Islas Malvinas, napakalinaw ng kasaysayan nito.
Nang magsarili ang Argentina mula sa Espanya noong taong 1816, ipinahayag nito ang pagkamana sa soberanya ng Espanya sa mga isla sa baybaying dagat ng Argentina na kinabibilangan ng Islas Malvinas.
Ngunit noong 1833, ipinadala ng Britanya ang pandigmaang bapor at puwersahang sinakop at koloniyal na pinagharian ang islang ito.
Nakikita ditong ang isyu ng Islas Malvinas ay esensyal na iniwang isyung historikal ng kolonyalismo.
Bakit buong tigas na mananatili ang Britanya sa Islas Malvinas? May maraming dahilan.
Bagama’t napakalayo ng Islas Malvinas sa Britanya, napakahalagang estratehikong katayuan nito. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na nais lubos na gamitin ng panig Britaniko ang yaman sa South Pole sa pamamagitan ng islang ito.
Bukod pa riyan, may napakayamang mina sa Islas Malvinas na napakalaking inaakit ng mga Britaniko.
Noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo, natuklasan pa ang napakaraming yamang langis at gas sa paligid ng islang ito.
Sinabi ng isang mambabatas ng Britanya na “mas gusto nating mawalan ang limang Northern Ireland kaysa mawalan ang isang Islas Malvinas.”
Ang mga kilos ng Britanya sa Islas Malvinas na tulad ng pananakop, pagnanakaw, at labis na paggamit, ay tumataliwas sa pangunahing tunguhin ng de-kolonisasyon.
Imposibleng makakabalik ang panahong kolonyal. Dapat igalang ng panig Britaniko ang kaukulang resolusyon ng UN, direktang tugunan ang lehitimong apelasyon ng mga mamamayan ng Argentina, at isauli ang Islas Malvinas sa Argentina sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
Pulido: Ramil