Ulat sa ideya ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, inilabas ng Tsina

2023-04-05 17:32:20  CMG
Share with:

Sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng ideya tungkol sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, inilabas kahapon, Abril 4, 2023, ng Chongyang Institute for Financial Studies sa Renmin University ng Tsina ang ulat tungkol sa 10-taong pagpapatupad ng ideyang ito.

 

Anang ulat, nitong 10 taong nakalipas, para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, isinasagawa ng Tsina ang mga konkretong hakbangin sa mga aspekto ng kaunlarang pandaigdig, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, at pagbibigay-tulong sa ibang bansa.

 

Pinapalakas din ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa paggarantiya sa seguridad, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pangangalaga sa karapatang pantao, at iba pa, dagdag ng ulat.

 

Binigyang-diin din ng ulat, na ang ideya ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan ay bagong modelo ng mabuting pakikipamuhayan ng iba’t ibang sibilisasyon ng daigdig, bagong pananaw sa pagpapalagayan ng mga bansa at pangangasiwa ng daigdig, at bagong plano para sa kooperasyong panrehiyon at pandaigdig.

 

Buong sikap at patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pagpapatupad ng ideyang ito, saad pa ng ulat.


Editor: Liu Kai