Sa kanyang paglahok sa aktibidad ng pagtatanim ng mga puno, kahapon, Abril 4, 2023, sa Beijing, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na pag-ibayuhin ng buong bansa ang pagsisikap sa pagtatanim ng mga puno, para pasulungin ang paglikha ng magandang Tsina.
Sa aktibidad na ito, nagtanim si Xi, kasama ng iba pang mga lider na Tsino at mga karaniwang mamamayan, ng iba’t ibang uri ng mga puno.
Sinabi ni Xi, na ang berdeng pag-unlad ay isa sa mga pangunahing estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina, at dapat ipagpatuloy ang kampanya ng pagtatanim ng mga puno sa buong bansa, bilang suporta sa estratehiyang ito.
Hinahangaan din niya ang malaking ambag ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanim ng mga puno, para sa pagpapaberde ng bansa at pagharap sa pagbabago ng klima.
Editor: Liu Kai