Mga ministrong panlabas ng Saudi Arabia at Iran, nagtagpo sa Beijing

2023-04-06 15:50:10  CMG
Share with:

Nagtagpo Huwebes, Abril 6, 2023 sa Beijing ang mga Ministrong Panlabas na sina Prince Faisal bin Farhan Al Saud ng Saudi Arabia at Hossein Amir-Abdollahian ng Iran.

 

Ito ang kauna-unahang pormal na pagtatagpo ng mga senior diplomat ng dalawang bansa nitong nakalipas na mahigit 7 taon.

 


Nilagdaan ng magkabilang panig ang kasunduan sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, na sinaksihan ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Matatandaang sa ilalim ng mediyasyon ng Tsina, noong nagdaang Marso, narating ng Saudi Arabia at Iran ang bilateral na kasunduan kung saan sumang-ayon silang panumbalikin ang kanilang relasyong diplomatiko, buksan ang mga pasuguan at ipadala ang mga embahador sa isa’t-isa sa loob ng 2 buwan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio