Xi Jinping at Emmanuel Macron, nag-usap

2023-04-06 17:30:42  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo Huwebes, Abril 6, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, sinabi ni Xi na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, naging mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa noong nakaraang mahigit 3 taon sa mga larangang gaya ng bilateral na kalakalan, kalawakan at abiyasyon, at agrikultura.

 

Nananantili rin aniyang malakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng sa mga isyung kinabibilangan ng pagbabago ng klima, biolohikal na dibersipikasyon at pag-unlad ng Aprika.

 

Bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at independiyenteng malaking bansa, may responsibilidad at kakayahan ang Tsina at Pransya sa pagpapasulong ng multi-polarisasyon at demokratisasyon ng relasyong pandaigdig.

 

Umaasa ang pangulong Tsino, na maisasagawa ng dalawang bansa ang tunay na multilateralismo upang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio