Mga FM ng Tsina at Pransya, nagtagpo

2023-04-06 16:29:33  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo Miyerkules, Abril 5, 2023 sa Beijing nina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Catherine Colonna, Ministrong Panlabas ng Pransya, sinabi ni Qin na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagdalaw ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya sa Tsina.

 

Kasama ng Pransya, nakahanda aniya ang Tsina upang gamitin ang masaganang bunga ng pagdalaw na ito para pamunuan ang estratehikong relasyon at aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa tungo sa mas mataas na antas.

 

Ipinahayag naman ni Colonna na napakahalaga ng relasyon ng Pransya at Tsina.

 

Pakikitunguhan aniya ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina sa estratehiko at pangmatalagang pananaw.

 

Sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Macron sa Tsina, umaasa si Colonna na lalo pang mapapasigla ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan.

Saad niya, iginigiit ng Pransya ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina at kasama ng Tsina, nakahanda ang Pransya na palalimin ang bilateral na relasyon at aktuwal na kooperasyon, at pangalagaan ang pantay at makatarungang regulasyong pandaigdig.

 

Si Catherine Colonna ay kabilang sa enturahe sa Tsina ni Pangulong Emmanuel Macron.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio