Sa pagtatagpo Miyerkules, Abril 5, 2023 sa Beijing nina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinator for Cooperation with China and Coordinating Minister of Maritime Affairs and Investment ng Indonesya, ipinahayag ni Qin na kasama ng Indonesya, handa ang Tsina upang ibayo pang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, at palakasin ang aktuwal na kooperasyon para magkasamang maisulong ang kaunlaran at kasaganaang panrehiyon.
Tinukoy ni Qin na kailangang igarantiya ng dalawang bansa ang pagsisimula ng pormal na operasyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway sa itinakdang panahon, pabilisin ang konstruksyon ng mga pangunahing proyektong gaya ng Regional Comprehensive Economic Corridor at "Two Countries, Twin Parks," at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng imprastruktura, smart city at manilis na enerhiya.
Ang Indonesya ay kasalukuyang tagapangulong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at nakahanda ang Tsina na pangalagaan, kasama ng Indonesya, ang nukleong katayuan ng ASEAN, at pasulungin ang kooperasyon ng Silangang Asya patungo sa tamang direksyon, tungo sa pagsasanggalang ng kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon, dagdag ni Qin.
Ipinahayag naman ni Luhut Binsar Pandjaitan, na kasama ng Tsina, nakahanda ang Indonesya upang patuloy na pasulungin ang konstruksyon ng mahahalagang proyektong gaya ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway at "Two Countries, Twin Parks," at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng siyensiya, teknolohiya, dagat, industriya ng pangingisda, at kalusugan.
Umaasa aniya ang Indonesiya na mapapahigpit pa ng dalawang bansa ang kooperasyon at pagkokoordinahan para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at kapakanan ng mga umuunlad na bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio