Pangulong Tsino at Presidente ng European Commission, nagtagpo

2023-04-07 12:53:08  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon ng hapon, Abril 6, 2023 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Ursula von der Leyen, Presidente ng European Commission.


Tinukoy ni Xi na palagiang inilalagay sa priyoridad ng diplomasya ng Tsina ang relasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU).


Idiniin ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang pag-uugnayan, tiyakin ang tamang pagkaalam sa isa’t isa at maiwasan ang misunderstanding at maling konklusyon.


Saad ni Xi na dapat magtampok ang dalawang panig sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, katigan ang globalisasyon ng kabuhayan at liberalisasyon ng kalakalan, at sa pamamagitan ng malalimang diyalogo at pagsasanggunian.


Sinabi pa ni Xi na matatag na iginigiit ng Tsina ang nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas, at ang pagpapasulong ng Tsina ng bilateral na relasyon sa anumang bansa ay hindi nakatugon sa ikatlong panig.


Sinabi pa ni Xi na dapat tamang pakitunguhan ng dalawang bansa ang mga pagkakaiba, kontrolin at pangasiwaan ang mga hidwaan, at igalang ang isa’t isa.


Umaasa aniya siyang gaganap ang European Commission ng positibong papel para sa malusog at matatag na pag-unlad ng Tsina at EU.


Ipinahayag ni von der Leyen na may komong palagay ang dalawang panig sa mga isyung gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima at pulitikal na paglutas sa mga hidwaang panrehiyon at dapat magkasamang magsikap ang dalawang panig para sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.


Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng dalawang panig ang diyalogo at pagpapalagayan at isasagawa ang mas maraming kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.


Kaugnay ng isyu ng Taiwan, idiniin ni Xi na ang isyung ito ay pinakanukleong interes ng Tsina at hinding hindi susuko ang pamahalaang Tsino at mga mamamayang Tsino sa isyung ito.


Inulit ni von der Leyen na hindi magbabago ang EU ng paninindigan nito sa prinsipyong isang Tsina at umaasa ang EU na mananatiling matatag at mapayapa ang rehiyon ng Taiwan Strait.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade