Op-ed: Dapat alalahanin at bigyang-galang ang ninuno upang hindi kalimutan ang pinagmulan

2023-04-08 15:29:45  CRI
Share with:

Wika at kulturang Pilipino ay aking major sa unibersidad. Sa aking pag-aaral sa unibersidad, ang unang awiting Pilipino na napakinggan ko ay ang "Pinoy Ako" na ipinakilala ng aking Pilipinong gurong si Ginoong Lopez.

 

Nang pakinggan ko ang awiting ito, lubos itong nakaakit sa akin at hanggang sa ngayon, kung minsa'y inaawit ko ito.

 

Bukod sa magandang melody at rhythm, ang tulang lirikong tulad ng "Iba't ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan… Ipagmalaki mo pinoy ako" ay nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa akin.

 

Hindi ko nakakalimutan ang mapagmalaking ekspresyon ni Ginoong Lopez nang ilahad niya ang awiting ito sa akin at mga kaklase ko.

 

Oo, dapat ipagmalaki ng bawat tao ang kanyang nasyon. Kung mawawalan ng isang tao ang kanyang national sense of belonging, magiging siyang punong walang ugat at tubig na walang pinagmulan.

Noong Marso 27, dumating sa Shanghai ang delegasyon ng Taiwan na pinamumunuan ng dating lider ng Taiwan na si Ma Ying-jeou upang pasimulan ang kanyang unang biyahe sa Chinese mainland.

 

Magkakasunod niyang binisita ang lungsod Nanjing, Wuhan, Changsha, Chongqing at Shanghai.

 

Gayunpaman, pinamunuan din ni Ma Ying-jeou ang mga estudyanteng Taiwanese na bumisita sa Wuhan University.

 

Ipinahayag niya ang pag-asang sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga kabataan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, mapapabuti ang kasalukuyang atmospera ng magkabilang pampang.

 

Tradisyon ng mga Tsino ang pag-alaala at pagbibigay-galang sa ninuno, at ang pagbibigay-galang sa ninuno sa Pestibal ng Qingming ay komong kaugalian ng mga kababayan ng magkabilang pampang.


Para sa mga Tsino, hindi kinakalimutan ang damdamin sa kani-kanilang lupang-tinubuan.

 

Sa bisperas ng Qingming Festival, Abril 1, 2023, pumunta si Ginoong Ma Ying-jeou, kasama ng kamag-anakan, sa bayang Xiangtan, probinsyang Hunan para bigyang-galang sa kauna-unahang pagkakataon, ang kanyang ninuno.

 

Lubos nitong ipinakikitang pawang Tsino ang mga mamamayan sa magkabilang pampang, at pawa ring silang nabibilang sa Nasyong Tsino.


Ngunit kamakailan, para lamang sa sariling pribadong kapakanan at paghahanap ng umano'y "sariling katayuang historikal," sa panahon ng kanyang "transit" sa Amerika, kinatagpo ni Kevin McCarthy, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika, si Tsai Ing-wen, lider ng Taiwan.

 

Ito ay isa na namang probokasyong pampulitika na magkasabwat na nilikha ng Amerika at Taiwan, sapul nang bumisita si dating House of Representative Speaker Nancy Pelosi ng Amerika sa Taiwan noong isang taon.

 

Kaugnay nito, magkakahiwalay na inihayag ng Ministring Panlabas, Ministri ng Tanggulang Bansa, Foreign Affairs Committee ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at Taiwan Work Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga mariing pagkondena rito.

 

Habang sinusulsol ito ng panig Amerikano, binatikos nito ang umano'y "labis na reaksyon" ng panig Tsino tungkol sa pagtatagpo nina Tsai Ing-wen at Kevin McCarthy.

 

Lubos nitong ipinakikita ang laging istilong Amerikano na kayabangan, karamutan, pagkakunwari, at hegemonya.

 

Isipin mo, kung sadyang kinatagpo ng walang pahintulot ng pamahalaang Amerikano ng isang gobernador ng estado nito, ang lider ng ibang bansa upang pag-usapan ang tungkol sa pagpapataas ng kakayahang pandepensa at pagsuplay ng mga sandata, anong gagawing reaksyon ng pamahalaang Amerikano dito?

 

Minsa'y bukas na kinilala ni Tsai Ing-wen na "Tsino ako, dahil nagbasa ako ng mga aklat na Tsino at nagkaroon ng edukasyong Tsino"

 

Ngunit nitong ilang taong nakalipas, buong sikap niyang isinusulong ang patakaran ng "De-Sinicization" na nagtatangkang putulin ang "ugat na kultural" ng magkabilang pampang.

 

Magkapamilya ang magkabilang pampang, dahil sila ay mayroong komong kadugo, komong kultura, komong kasaysayan, at komong hangarin.

 

Si Ma Ying-jeou ay nagpunta sa lupang-tinubuan upang kilalanin at bigyang-galang ang kanyang ninuno. Ito ay nagpapakita ng komong pangarap ng mga kababayan ng magkabilang pampang sa unipikasyon.

 

Si Tsai Ing-wen naman ay nagtakwil sa kanyang ninuno. Ang kasuklam-suklam na mukha niya ay lumalapastangan sa dignidad sa puso ng bawat kababayang Taiwanese.


Ulat / Salin: Lito

Pulido: Ramil