Ipinahayag Abril 8, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na itinakda ng Tsina at Hapon na idaos Abril 10 sa Tokyo, Hapon ang Ika-15 mataas na pagsasangguniang Sino-Hapones tungkol sa suliraning pandagat na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa departamento ng diplomasya, depensa, pagpapatulad ng batas sa dagat, at pangangasiwa sa dagat ng dalawang bansa.
Ani Mao, inaasahan ng panig Tsino na sa pagsasangguniang ito, lubos na magpapalitan ng palagay ang kapwa panig tungkol sa mga isyung pandagat para mapalalim ang kanilang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, mapasulong ang maayos na paghawak at pagkontrol sa alitan, at mapasulong ang pragmatikong kooperasyong pandagat.
Salin: Lito
Pulido: Rhio