Ika-3 CICPE, binuksan sa Hainan

2023-04-10 15:14:03  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Abril 10, 2023 sa lunsod Haikou, lalawigang Hainan ng Tsina ang ika-3 China International Consumer Products Expo (CICPE).

 

Ayon sa pahayag, di-hamak na mas marami ang mga kalahok na kompanya’t tatak ngayong taon kumpara sa nagdaang expo noong 2022.

 

Ang transnasyonal na e-commerce ay bagong industriyang kalahok ngayon sa kasalukuyang expo.

 

Tinatayang mahigit 300 libong person-time ang bibista sa 2023 CICPE, at para mahikayat ang mas maraming bisita, isasagawa ng mga kalahok na supermarket at tax-free shop ang mga promotion sale.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio