Durian ng Pilipinas, ibinebenta na sa Tsina

2023-04-11 15:49:10  CMG
Share with:

 

Sinimulang ibenta ngayong araw, Abril 11, 2023 sa Import Fruit Market sa lunsod Jiaxing, lalawigang Zhejiang ng Tsina ang mga sariwang Durian na inangkat mula sa Pilipinas.

 

Ayon kay Josel F. Ignacio, Konsul Heneral ng Pilipinas sa Shanghai, na ang sariwang Durian ng Pilipinas ay tugon sa malaking pangangailangan ng merkadong Tsino, at ito rin ay mahalagang bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura.

 

Aniya, umaasa ang Departamento ng Agrikultura ng Pilipinas na mailuluwas ang 5,700 toneladang sariwang Durian sa Tsina ngayong 2023.

 

Ang lunsod ng Jiaxing ay mahalagang sentro ng transportasyon at kalakalan ng prutas sa Tsina.

 

Kaugnay nito, inaasahan ni Ignacio, na mas mabilis na makakapasok ang mga sariwang Durian ng Pilipinas sa iba’t-ibang lugar ng Tsina dahil sa heograpikal na bentahe ng Jiaxing.

 

Nauna rito, dumating Abril 8, sa Nanning, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, ang 18 toneladang sariwang Durian mula sa Pilipinas.

 

Ito ang unang pangkat ng sariwang Durian na inangkat ng Tsina mula sa bansa.

 

Ang Pilipinas ang ikatlong bansa sa daigdig na maaaring magluwas ng sariwang Durian sa Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio