MOFA: dapat itigil ng Hapon ang pagsasagawa ng bloc confrontation

2023-04-12 15:26:52  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pagpuna ng Diplomatic Bluebook ng Hapon sa diplomasiya at aksyong militar ng Tsina at sinasabing ang Tsina ay pinakamalaking estratehikong hamon, ipinahayag kahapon, Abril 11, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang naturang pananalita ay nagpapadungis ng imahe ng Tsina at pabarumbadong nakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, kaya matatag na tinututulan ng panig Tsino ang hinggil dito.

 

Hinimok ni Wang ang panig Hapones na dapat iwasto ang mga maling pananalita at aksyon, itigil ang paghahasik at pagsasagawa ng bloc confrontation, aktuwal na sundin ang pandaigdigang kaayusan at pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang relasyon pagkatapos ng World War II at tunay na isakatuparan ang mga pangako nito hinggil sa pagpapatatag ng matatag at konstruktibong relasyon sa Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil