CMG Komentaryo: Tsina at Brazil, magkakamay muli

2023-04-12 14:27:11  CRI
Share with:

Ang Tsina at Brazil na may layong 18,800 kilometro, ang magkahiwalay na pinakamalaking umuunlad na bansa sa Eastern at Western Hemisphere.


Kasunod ng biyahe Abril 12, 2023 ni Pangulong Lula da Silva ng Brazil sa Tsina, magkakamay ang dalawang bagong-sibol na malaking bansa.


Isang matandang kaibigan ng mga mamamayang Tsino si Lula.


Noong panahon ng kanyang unang panunungkulan bilang pangulo mula noong 2003 hanggang 2010, dalawang beses niyang isinagawa ang dalaw-pang-estado sa Tsina.


Sa termino ni Lula, napakabilis na umunlad ang relasyong Sino-Brazilian. Noong 2009, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Brazil, at nananatili sa posisyong ito ang Tsina nitong nagdaang 14 na taong singkad.


Ang Brazil naman ay nagsilbing unang bansang Latin-Amerikano na may mahigit 100 bilyong dolyares na bolyum ng kalakalan sa Tsina.


Noong Enero ng kasalukuyang taon, nanungkulan sa ikatlong beses, si Lula na may 77 edad na, bilang pangulo ng Brazil.


Sa kanyang mensaheng pambati kay Lula, sinabi ni pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Tsina at Brazil ay kapwang malaking umuunlad na bansa at mahalagang bagong-sibol na ekonomiya na may impluwensiya sa buong mundo.


Bilang komprehensibo’t estratehikong katuwang ng isa’t-isa, may malawak na komong kapakanan ang Tsina at Brazil, ani Xi.


Sa ilalim ng pagpupunyagi ng lider ng dalawang bansa, lumalalim nang lumalalim ang bilateral na kooperasyong Sino-Brazilian, at walang patid na lumalapit ang distansya ng kanilang mga mamamayan.


Bukod sa putbol, samba, at Brazil barbecue, sa ngayo’y may mas maraming pagkakaunawa ang mga mamamayang Tsino, partikular na mga kabataan, sa Brazil.


Sa harap ng masalimuot at nagbabagong situwasyong pandaigdig, bilang malaking umuunlad na bansa, kapwang tinututulan ng Tsina at Brazil ang hegemonya at power politics, at sinusuportahan ang tunay na multilateralismo.


Napapanatili ng dalawang bansa ang mahigpit na kooperasyon sa mga organisasyong pandaigdig at multilateral na mekanismong tulad ng United Nations, World Trade Organization, G20 at BRICS, na nakakapagpalakas sa tinig ng mga umuunlad na bansa at tinig para sa kapayapaan at kaunlaran.


Sa bisperas ng kanyang biyahe sa Tsina, paulit-ulit na binanggit ni Lula ang ibinibigay na papel ng Tsina at salitang “kapayapaan” tungkol sa krisis ng Ukraine.


"Dapat pasimulan ng tao ang pag-uusap tungkol sa kapayapaan, dahil hindi pinag-uusapan ng Amerika at Europa ang kapayapaan," diin ni Lula.


Pinag-uukulan ng malaking pansin ang biyahe ni Lula sa Tsina. Dahil bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa Eastern at Western Hemisphere, ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina at Brazil ay hindi lamang makakabuti sa kapwa panig, kundi bebenipisyunan pa ang buong mundo.


Nananalig na sa patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, isusulong pa ang mapagkaibigang kooperasyong Sino-Brazilian na may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t-ibang larangan upang makapagbigay ng mga bagong ambag sa pagpapasulong ng katatagan at kasaganaang panrehiyon at pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil