Nanawagan Martes, Abril 11, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa hukbo ng bansa na palakasin ang pagsasanay at paghahanda para sa labanan.
Winika ito ni Xi sa kanyang paglalakbay-suri sa hukbong pandagat ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA).
Ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng pagpapatupad ng estratehiyang militar sa makabagong panahon, pagsasanay at paghahanda para sa digmaan, at pagpapabilis ng transpormasyon para mapataas ang lebel ng modernisasyon ng hukbo.
Hiniling din niyang buong tatag na ipagtanggol ang teritoryo, soberanya at karapatang pandagat ng bansa, at buong sikap na panatilihin ang katatagan ng nakapaligid na rehiyon.
Hinimok ni Xi na palakasin ang ensayong militar sa ilalim ng kondisyon ng labanan, at palalimin ang pananaliksik at inobasyong militar sa pagpapaunlad ng bagong puwersa at pamamaraan ng pakikibaka at pagpapasulong sa paggamit ng mga bagong sandata.
Salin: Vera
Pulido: Rhio