Mariing pagtutol, inihayag ng Tsina sa pagpilipit at pagdungis ng Amerika’t Pilipinas sa lehitimong aksyon nito sa dagat

2023-04-13 14:29:11  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng magkasanib na pahayag, Abril 11, 2023 ng Amerika at Pilipinas pagkatapos ng 2+2 Ministerial Dialogue, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ito’y pagpipilipit at pandudungis sa lehitimong aksyon ng Tsina sa pagpapatupad sa batas sa dagat.

 

Ito’y mariing tinutulan ng panig Tsino, aniya.

 

Sinabi ni Wang na ang Tsina ay may di-mapabubulaanang soberanya sa mga isla at karagatan sa paligid ng South China Sea, at iligal at walang bisa ang di-umanoy 2016 “Arbitral Award.”

 

Hindi ito tinatanggap at kinilala ng panig Tsino, aniya pa.

 

Sa kabila nito, nakahanda aniya ang panig Tsino na maayos na hawakan, kasama ng mga may kinalamang bansa, ang hidwaang pandagat, habang patuloy at matatag na pinangangalagaan ang sariling soberanya, teritoryo at karapatan sa dagat.

 

Ipinahayag pa ni Wang, na palagiang iginigiit ng Tsina ang pagpapalakas ng pagtitiwalaan, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa sa Asya Pasipiko para magkasamang mapangalagaan ang katatgan at kapayapaan sa rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio