Tsina, patuloy na gaganap ng positibong papel para sa pagkakaisa ng mga bansang Arabe

2023-04-14 16:24:36  CMG
Share with:

Idiniin Huwebes, Abril 13, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na gumanap ng positibong papel para sa pagkakaisa ng mga bansang Arabe.


Ayon sa ulat, ipinadala kamakailan ng Saudi Arabia at Oman ang magkasanib na delegasyon sa Sana’a, Yemen para isagawa ang talastasan sa Houthis at hanapin ang paraan ng paglutas ng sagupaan sa Yemen. Dumalaw naman Abril 12 ang Ministrong Panlabas ng Syria sa Saudi Arabia.


Kaugnay nito, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Yemen at katigan ang pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng Syria at ibang mga bansang Arabe para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil