MOFA: Daambakal sa pagitan ng Tsina at Laos, magiging bagong lakas para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa

2023-04-14 16:28:07  CMG
Share with:

Ipinahayag Huwebes, Abril 13, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pormal na pagsisimula ng transnasyonal na serbisyo ng mga pasahero sa daambakal sa pagitan ng Kunming ng Tsina at Vientiane ng Laos ay ibayo pang magpapadali ng pagpapalagayan ng mga tao, kabuhayan at kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa para pabilisin ang pagbangon ng mga industriya ng dalawang bansa na gaya ng turismo. Ito rin aniya ay magiging bagong lakas para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Dagdag ni Wang, nakahanda ang panig Tsino na ibahagi sa mga bansang ASEAN ang mga bagong pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina at palalimin ang mga kooperasyon sa balangkas ng Belt and Road Initiative.


Salin: Ernest 

Pulido: Ramil