Bolyum ng pasahero’t kargamento sa bahaging-Lao ng China-Laos Railway, malaki

2023-04-16 14:28:56  CRI
Share with:

Nagsimula Abril 13, 2023 ang cross-border passenger travel ng China-Laos Railway, at mahigit 10 libong pasahero at 10 libong toneladang kalakal ang naihatid sa pamamagitan ng bahaging-Lao ng nasabing riles.

Ayon sa pangangailangan at pagbabago ng galaw ng mga pasahero, pinagbuti ng Lao-China Railway Company Limited ang plano ng operasyon sapul nang pumasok ang 2023.

Kasunod ng unti-unting pagdami ng istasyong pampasahero at tren, tumataas din ang bilang ng mga turistang taga-Laos na nagtutungo sa Vientiane, Vang Vieng, at Luang Prabang.


Salin: Lito

Pulido: Rhio