Pinaplano ng Hapon na itapon sa Karagatang Pasipiko ang nuklear na kontaminadong tubig mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa kasalukuyang taon.
Dahil dito, napakalaking pansin at malawakang pagduda ang ipinahayag ng komunidad ng daigdig.
Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) sa mga netizens sa buong mundo, mahigit 93.21% respondiyente ang mariing tumututol sa nasabing plano.
Ang naturang sarbey ay ipinalabas sa 5 magkakaibang istasyong pangwika ng CGTN na gaya ng Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.
Sa loob ng 24 oras, 33,746 respondiyente ang bumuto at nagkomento sa naturang sarbey.
Salin: Lito
Pulido: Rhio