Pagtitigil-putukan ng nagsasagupaang panig ng Sudan sa lalong madaling panahon, ipinanawagan ng Tsina

2023-04-16 16:10:41  CRI
Share with:

Ayon sa ulat, mainit na sagupaan ang naganap Abril 15 (local time), 2023 sa Khartoum, kabisera ng Sudan sa pagitan ng armadong lakas ng Sudan at paramilitary Rapid Support Forces (RSF).


Hanggang sa ngayon, di-kukulangin sa 56 katao ang napatay at mahigit 590 iba pa ang nasugatan.


Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na sinusubaybayan ng panig Tsino ang pag-unlad ng kalagayan ng Sudan.


Nanawagan aniya ang panig Tsino sa dalawang nagsasagupaang panig ng Sudan na itigil ang putukan sa lalong madaling panahon para maiwasan ang ibayo pang paglala ng situwasyon.


Dagdag pa niya, umaasa ang panig Tsino na mapapalakas ng iba’t-ibang panig ng Sudan ang diyalogo upang magkakasamang mapasulong ang proseso ng transisyong pulitikal.


Salin: Lito