Unang ginang ng Tsina’t Brasil, nagtagpo

2023-04-16 14:27:07  CRI
Share with:

Beijing — Sa kanyang pakikipagkita Abril 14, 2023 kay Unang Ginang Rosangela Lula da Silva ng Brasil, sinabi ni Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, na sa kabila ng heograpikal na distansya ng Tsina at Brazil, pareho ang damdamin ng mga Tsino’t Brasilyano, at mayroong makukulay na pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ang dalawang bansa.


Inilahad din niya kay da Silva ang kasaysayan at kulturang Tsino, at ipinahayag ang hangarin tungo sa pagpapatibay ng pagkakaibigang Sino-Brasilyano..


Nagagalak aniya siya sa pagdating sa Tsina ni unang ginang ng Brasil.


Ipinaabot naman ni da Silva ang pasasalamat sa hospitalidad nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Peng.


Handa aniya siyang palakasin ang pakikipag-unawaan sa Tsina para makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng pagkakaibigang Brasilyano-Sino.


Salin: Lito

Pulido: Rhio