Joe Biden, muling tatakbo bilang pangulo ng Amerika

2023-04-16 14:31:28  CRI
Share with:

Ayon sa Raidió Teilifís Éireann (RTÉ), pambansang istasyon ng radyo at telebisyon ng Ireland, Abril 15, 2023, sinabi ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na muling siyang tatakbo bilang pangulong ng bansa, at pormal niyang ia-anunsyo ang kanyang kandidatura sa malapit na hinaharap.


Ayon sa ulat, posibleng makatunggali ni Biden si dating Pangulong Donald Trump sa halalang pampanguluhan sa 2024.


Matatandaang noong Disyembre 2022, nauna nang ipinatalastas ni Trump ang muling pagkandidato sa pagkapangulo.


Salin: Lito

Pulido: Rhio