Tigil-putukan sa Sudan, ipinanawagan ng komunidad ng daigdig

2023-04-17 15:42:21  CMG
Share with:

Kaugnay ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng sandatahang lakas ng Sudan at Rapid Support Forces sa bansa, magkakahiwalay na ipinahayag ng mga organisasyong gaya ng United Nations (UN), League of Arab State (LAS), at African Union (AU); at mga bansang Algeria, Saudi Arabia, Jordan at Iran ang pangamba.

 

Nanawagan ang naturang mga pandaigdigang organisasyon at bansa sa dalawang nagsasagupaang panig na agarang itigil ang sagupaan at lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Ayon sa Central Doctors' Committee ng Sudan, hanggang kahapon, di-kukulangin sa 56 na sibilyan na ang nasasawi sa kaguluhan, samantalang 595 ang nasugatan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio