Ika-4 na lakad sa kalawakan, isinagawa ng mga taikonaut ng Shenzhou-15

2023-04-17 15:36:33  CMG
Share with:

 

Inihayag ng China Manned Space Agency (CMSA), na isinagawa Abril 15, 2023 ng mga taikonaut ng Shenzhou-15 ang ika-4 na extravehicular activity (EVA).

 

Anang CMSA, maayos na natapos ang lahat ng gawain at ligtas na nakabalik ang mga taikonaut sa Wentian lab module.

 

Nauna rito, inihatid Abril 13 sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan, Tsina ang Long March-7A rocket, para sa pagpagdurugtong sa Tianzhou-6 cargo spacecraft at mga pagsusuri, upang ilunsad sa hinaharap.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio