Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Abril 18, 2023 ng National Bureau of Statistics ng Tsina (NBS), ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa noong unang kuwarter ng taong ito ay umabot sa mahigit 28.4 trilyong yuan Renminbi at lumaki ito ng 4.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.
Ang kabuuang halaga naman ng retail sales noong unang kuwarter ng taong 2023 ay umabot sa mahigit 11.4 trilyong yuan Renminbi at lumaki ito ng 5.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.
Para sa kabuuang bolyum ng kalakalan ng mga paninda noong unang kuwarter ng taong 2023, umabot ito sa mahigit 9.8 trilyong yuan Renminbi kung saan lumaki ito ng 4.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.
Ang unemployment rate sa mga lunsod at nayon noong unang kuwarter ng taong 2023 ay umabot sa 5.5% at bumaba ito ng 0.1% kumpara sa ika-apat na kuwarter ng taong 2022.
Ang consumer price index (CPI) noong unang kuwarter ng taong 2023 ay lumaki ng 1.3% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil