Pangalawang Punong Ministro ng Laos: Ang modernisasyong Tsino ay bagong landas ng pag-unlad para sa mga umuunlad na bansa

2023-04-19 14:39:39  CMG
Share with:

 

Sa panayam ng China Media Group Lunes, Abril 17, 2023 kay Saleumxay Kommasith, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Laos, sinabi niya na ipinapakita ng modernisasyong Tsino ang sariling bentahe sa buong daigdig, lalo na ang mga umuunlad na bansa at ito’y nagkakaloob ng bagong landas at karanasan ng pag-unlad para sa mga umuunlad na bansa.

 

Sinabi niyang itinakda ng Laos ang target ng pagiging middle-income country sa taong 2030 at ang mga praktika ng modernisasyong Tsino ay magkakaloob ng mga karanasan at direksyon ng pag-unlad ng digital industry at inobasyon ng kanyang bansa.

 

Bukod dito, hinangaan niya ang mahalagang papel ng China-Laos Railway sa pagitan ng Kunming ng Tsina at Vientiane ng Laos para sa pag-unlad ng bansa. Ang daambakal na ito ay modelo ng tagumpay ng kooperasyon sa balangkas ng Belt and Road Initiative, dagdag pa niya.

 

Sinabi niyang ang nabanggit na daambakal ay nagpapadali ng komunikasyon at transportasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay nakakatulong sa pagpapalagayan ng Laos at ibang mga bansa sa Timog-Silangan Asya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil