MOFA, nagpaalaala sa mga mamamayang Tsino sa Sudan na higpitan ang pagsubaybay sa kalagayang lokal

2023-04-19 15:02:17  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Martes, Abril 18, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na dahil sa kasalukuyang kalagayan ng Sudan, nagpaalaala ang MOFA at Embahadang Tsino sa Sudan sa mga sibilyang Tsino na huwag pumunta sa bansang ito at higpitan ang pagsubaybay sa kalagayang lokal.

 

Aniya, kung makakaranas ang mga mamamayang Tsino sa Sudan ng mga pangkagipitang pangyayari, agarang tawagan ang pulisya at Embahadang Tsino.

 

Saad ni Wang, patuloy na subaybayan ang MOFA at Embahadang Tsino sa mga pagbabago ng kalagayan ng Sudan at buong sikap na pangangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan at organisasyong Tsino sa lokalidad.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil