“Layon ng madalas na pagbiyahe ng mga opisyal na Amerikano sa Argentina na mapahina ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Argentina.” Ito ang winika ng pahagayang “Página 12” ng Argentina.
Tinukoy pa ng ilang mediang Argentinian na sa anumang sandali, minomonitor ng Amerika ang pakikipagkooperasyon ng Tsina sa rehiyong Latin-Amerika, partikular sa Argentina.
Bakit?
Ayon sa pag-analisa ng mediang Argentinian, sapul nang umakyat sa poder si Pangulong Joe Biden, pinalalakas niya ang patakaran ng pagpigil sa pag-unlad ng Tsina. Ayaw niyang makita ang pag-unlad ng Tsina sa Latin-Amerika at buong mundo.
Malaking bansa ang Argentina sa rehiyong Latin-Amerika. Nitong ilang taong nakalipas, walang patid na lumalalim ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Argentina.
Noong Pebrero ng nagdaang taon, naging unang malaking bansang Latin-Amerikano ang Argentina na pormal na sumali sa inisyatiba ng “Belt and Road.” Ito ang pragmatikong kooperasyon sa pagitan ng mga umuunlad na bansa.
Ngunit sa mata ng Amerika, hinahamon ng kooperasyong Sino-Argentinian ang kapakanan, at binabanta ang hegemonya nito. Kaya nagtatangka ang Amerika na sirain ang ganitong kooperasyon sa anumang porma.
“Hindi pa inaalis ng Amerika ang punyal mula leeg ng Argentina.” Ito ang isa pang komento ng mediang Argentinian.
Hanggang sa ngayon, nagtatangka pa rin ang Amerika na kontrulin ang rehiyong Latin-Amerika para patuloy itong maging “lugar ng pagsuplay ng mga materiyal,” “merkado ng mga produkto,” at “kolonyang kultural” ng Amerika.
Di katulad ng dati, ngayo’y pinanabikan ng mga bansang Latin-Amerikano ang pagkakaisa, kooperasyon at kaunlaran, at palakas nang palakas ang kanilang pananawagan para sa independiyente.
Noong Enero ng kasalukuyang taon, ipinalabas sa Ika-7 Summit ng Community of Latin American and Caribbean States (CELAC) ang “Deklarasyon ng Buenos Aires” kung saan narating ng mga kalahok ang komong palagay na buong tinding tinututulan ang panlabasang panghihimasok at hegemonya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil