Makaraang isapubliko Abril 18, 2023 ng panig opisyal ng Tsina ang datos ng pambansang kabuhayan noong unang kuwarter ng taong 2023, magkakasunod na binigyan ng lubos na papuri ng mga dayuhang media ang mabuting pagpakita ng kabuhayang Tsino.
Ipinakikita nito kasunod ng pagdami ng mga positibong elemento, matatag na bumubuti ang kabuhayang Tsino, bagay na nakapaglatag ng pundasyon para sa katuparan ng hangarin ng pag-unlad sa buong taon.
Ang mabuting pagpakita ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon ay bunga ng puspusang pagsisikap ng buong bansa.
Pagpasok sa taong ito, buong lakas na isinusulong ng iba’t-ibang lugar ng Tsina ang maiging operasyon ng kabuhayan sa iba’t-ibang porma.
Isang malaking tampok ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ang mabilis na pagbangon ng konsumo. Ayon sa datos, noong unang kuwarter, lumaki ng 5.8% ang kabuuang halaga ng naibentang paninda sa lipunan, kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022. Napakalinaw na bumuti ito kung ihahambing sa ika-4 na kuwarter ng nagdaang taon na bumaba ng 2.7%.
Bukod pa riyan, ang sustenableng pagpapasulong ng Tsina ng pagbubukas sa mataas na lebel ay nakakapagpasigla rin sa pambansang kabuhayan.
Kasabay ng pag-optimisa ng Tsina ng patakaran ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, humihigpit ang pagpapalagayan ng mga Tsino at dayuhan.
Isang serye ng plataporma ng pagbubukas na tulad ng China Development Forum, Bo’ao Forum for Asia, China International Consumer Products Expo, at China Import and Export Fair, ay nakakapagpalapit ng distansya sa pagitan ng Tsina at buong daigdig.
Kaugnay ng kalakalang panlabas, noong unang kuwarter, pumalo sa 9.89 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 4.8% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Sa hinaharap, mas malaki ang pag-asang lumago ang operasyon ng kabuhayang Tsino?
Ipinalalagay ng mga transnasyonal na kompanya na kung mamumuhunan at mananatili sa Tsina, mayroong silang mas magandang kinabukasan.
Salin: Lito
Pulido: Ramil