Premyer Tsino at Pangulo ng Gabon, nagtagpo

2023-04-20 15:03:52  CMG
Share with:

 

Nagtagpo Miyerkules, Abril 19, 2023 sa Beijing sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Ali Bongo Ondimba ng Gabon.

 

Tinukoy ni Li na kailangang palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon at pagpapalitan sa mga larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, agrikultura, turismo at kultura.

 

Ani Li, kinakatigan ng Tsina ang malaking papel na ginagampanan ng Gabon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

 

Ipinahayag naman ni Bongo na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina, at nagpapasalamat siya sa malaking tulong ng Tsina sa paglaban ng Gabon sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Gabon na pahigpitin ang kooperasyon sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, isakatuparan ang Global Development Initiative, at Global Security Initiative, at magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio