Xi Jinping, bumati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Yunnan University

2023-04-20 16:31:58  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe ngayong araw, Abril 20, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Yunnan University, sinabi niyang noong nakaraang 100 taon, hinubog ng nasabing unibersidad ang maraming talento para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, lalo na sa mga rehiyong panghanggahan.

 

Ani Xi, umaasa siyang patuloy pang mapapataas ng Yunnan University ang antas ng edukasyon para sa paghubog ng mas maraming talento tungo sa pag-unlad ng bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio