Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea na kasama ng komunidad ng daigdig, tinututulan ng kanyang bansa ang pagbabago ng status quo sa Taiwan Strait sa pamamagitan ng dahas.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 20, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na totohanang tutupdin ng panig Timog Koreano ang diwa ng Magkasanib na Komunike ng Pagtatayo ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Timog Korea, igigiit ang prinsiypong isang-Tsina, at maingat na hahawakan ang isyu ng Taiwan.
Tinukoy ni Wang na iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.
Ang isyu ng Taiwan ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at di-dapat magsalita ng kung anu-ano ang ibang panig tungkol dito, diin ni Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio