Lanting Forum sa Modernisasyong Tsino at Daigdig, dadaluhan ng kasangguni ng estado at ministrong panlabas ng Tsina

2023-04-21 10:47:37  CRI
Share with:

Ipinatalastas Abril 20, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo sa Lanting Forum sa Modernisasyong Tsino at Daigdig, Abril 21, sa Grand Halls sa lunsod Shanghai si Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.


Bukod kay Qin, dadalo rin sa porum ang mga politikong dayuhan, mga bantog na eksperto, iskolar, at kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal sa loob at labas ng Tsina, mga dayuhang diplomata, at mga kinatawan ng mga dayuhang media sa Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Rhio