Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa Lanting Forum sa Modernisasyong Tsino at Daigdig

2023-04-21 10:50:48  CRI
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Abril 21, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Lanting Forum sa Modernisasyong Tsino at Daigdig na ginaganap sa Grand Halls, lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina.


Tinukoy ni Xi na ang pagsasakatuparan ng modernisasyon ay hindi lamang hangarin ng mga mamamayang Tsino sapul nang pumasok ang modernong panahon, kundi komong hangarin din ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.


Nakahanda aniyang magsikap ang panig Tsino kasama ng iba’t-ibang bansa para ipagkaloob ang bagong pagkakataon ng pag-unlad sa daigdig, sa pamamagitan ng mga nakamtang tagumpay ng modernisasyong Tsino; ipagkaloob ang bagong puwersang tagapagpasulong upang mahanap ng sangkatauhan ang landas tungo sa modernisasyon at mas maiging sistemang panlipunan; at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Dumalo sa nasabing porum ang mga kinatawan ng pamahalaan, think-tank, at media mula sa halos 80 bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio