Pagpapalayas sa mga diplomatang Aleman, ipinatalastas ng Rusya

2023-04-23 15:21:36  CRI
Share with:

Inihayag, Abril 22, 2023 ng Ministring Panlabas ng Rusya, na bilang tugon sa ostilong aksyon ng pamahalaang Aleman sa nakatakdang muling pagpapalayas ng mga diplomatang Ruso sa bansa, ipinasiya ng pamahalaang Ruso na gawin ang katugon at kaparehong hakbangin.


Anito, palalayasin din mula sa Rusya ang mga diplomatang Aleman at mahigpit na lilimitahan ang bilang ng mga diplomatang Aleman sa Rusya.


Dagdag pa ng ministring Ruso, ang aksyon ng Alemanya ay patuloy na pumipinsala sa relasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang antas.


Nauna rito, ini-ulat ng FOCUS, isang lingguhang pambalitang babasahin ng Alemanya, na ipinasiya ni Ministrong Panlabas Annalena Baerbock ng Alemanya, na palayasin sa bansa ang mga diplomatang Ruso.


Kaugnay nito, wala opisyal na pahayag ang Ministring Panlabas ng Alemanya at wala pa ring aktuwal na bilang ng mga diplomatang Ruso na paalisin.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio