Sa panahon ng World Economic Forum 2023, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mataas ang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino at mayroon silang mayamang karanasan.
Tinukoy din niya na nakapokus ngayon ang gobyernon ng Pilipinas sa pagpapalawak at pagpapataas ng kakayahan ng Pilipinong manggagawa upang sila’y magkaroon ng mabuting kalidad.
Ngunit ang bilang ng populasyon ay isa lamang sa mga elemento ng pag-unlad ng bansa, at hindi ito ang kabuuan.
Ang kakayahan sa kooperasyong panlipunan, pag-unlad ng siyensiya’t teknolohiya, at kalidad ng populasyon, ay mga nukleong elementong tunay na nakaka-apekto sa kaunlaran ng bansa, at ito ay batid ng iba’t-ibang bansa sa daigdig.
Ngunit noong isang taon, makaraang lumitaw sa Tsina ang unang pagbaba ng bilang ng populasyon, puspusang ipinalulutang ng Amerika at ilang bansang kanluranin ang teoryang umano’y “China collapse” upang siraang-puri ang kaunlaran ng Tsina.
Anila pa, ang Tsina umano ay may “krisis sa populasyon” at nawawala ang “demographic dividend.”
Sa katotohanan, kung pag-uusapan ang “demographic dividend” ng Tsina, dapat bigyang-pansin hindi lamang ang kabuuang bilang ng populasyon, kundi maging kalidad at bilang ng mga talento.
Nasa halos 900 milyon ang lakas-manggagawa ng Tsina sa ngayon, at mahigit 15 milyon ang naidaragdag kada taon.
Ibig sabihin, namumukod pa rin ang bentahe ng Tsina sa usapin ng lakas-manggagawa.
Higit sa lahat, mahigit 240 milyong populasyon sa Tsina ang mayroong mataas na edukasyon, at 14 na taon ang karaniwang panahong kanilang ginugol sa pag-aaral.
Kaya, hindi nawawala ang “demographic dividend,” bagkus, nabubuo ngayon ang "talent dividend,” at nananatili pa ring napakalakas ang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng bansa.
Noong unang kuwarter ng 2023, lumaki ng 4.5% ang kabuhayang Tsino kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ito ay mas mataas kumpara sa inaasahan ng mga dayuhang bansa at pandaigdigang organisasyon.
Gayunpaman, ang pagbagal at pagtigil ng paglaki ng populasyon ay tunguhin matapos umunlad ang kabuhayan at lipunan ng isang bansa sa nakatakdang panahon.
Nararanasan ito ng maraming maunlad na bansa.
Mula noong 2007 hanggang 2020, sustenableng bumaba ang bilang ng mga isinilang sa Amerika.
Ngunit dahil sa umano’y “katumpakang pulitikal,” buong sikap na isinusulong ng mga pangunahing media ng Amerika ang isyu ng umano’y paglitaw ng “krisis ng populasyon” sa Tsina, sa halip na magkomento sa sariling mga problema.
Marahil ay walang salamin o hindi gumagamit ng salamain ang Amerika at ilang bansang kanluranin.
Nakikita nila lang ang iba’t-ibang “problema” ng Tsina, pero hindi nila napapansin ang kanilang sariling mga problemang gaya ng pagkabigo sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, diskriminasyong panlahi, karahasan gamit ang baril, kontaminasyon ng kapaligiran, at iba pa.
Pikit ang mata at tikom ang bibig ng Amerika at ilang bansang kanluranin.
Nitong mahigit 40 taong nakalipas, paulit-ulit na ginagamit ng Amerika at ilang bansang kanluranin ang maraming katuwiran upang dungisan ang Tsina.
Ngayon, tinatangka nilang gamitin ang isyung umano’y “problema ng populasyon” para muling siraang-puri ang bansa.
Ang kanilang tangka ay tunay na baligho at tiyak na magbibigo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio