De-kalidad na pag-unlad, nararapat isulong - Premyer Tsino

2023-04-24 16:09:01  CMG
Share with:

Ipinagdiinan, Abril 23, 2023 ni Premyer Li Qiang ng Tsina na kailangang masikap na isulong ng bansa ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Nararapat din aniyang pataasin ang kakayahan at pabutihin ang proseso ng pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad, at komprehensibong ipatupad ang mga kapasiyahan at plano ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Sinabi ni Li na ang de-kalidad na pag-unlad ay isang kahilingan ng modernisasyong Tsino, isang di-maiiwasang pagpili habang tumatawid sa mga pangunahing limitasyon, at susi sa pagkakaroon ng estratehikong bentahe.

 

Tinukoy pa niyang dapat matatag na isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, baguhin ang paraan ng pag-unlad, at aktuwal na igarantiya at pabutihin ang pamumuhunan ng mga mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio