Seremonya para sa “Araw ng Kalawakan,” idinaos sa Tsina

2023-04-24 16:11:35  CMG
Share with:

 

Idinaos ngayong araw, Abril 24, 2023 sa lunsod ng Hefei, lalawigang Anhui, dakong silangang Tsina ang seremonya bilang pagdiriwang sa “Araw ng Kalawakan” ng bansa sa taong ito.

 

Layon nitong palakasin at ipagpatuloy ang diwa ng naunang pag-unlad ng Tsina sa bagong panahon tulad ng pagkakadebelop ng bomba atomika at pagkakamit ng teknolohiyang pangkalawakan, pagpapadala ng tao sa kalawakan, eksplorasyon ng Buwan, at pagkakagawa sa Sistema ng BeiDou Navigation Satellite.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio