CMG at World Intellectual Property Organization, hihigpitan ang kooperasyon

2023-04-25 16:22:59  CMG
Share with:

 

Sa pag-uusap Martes, Abril 25, 2023 sa Beijing nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) at Daren Tang Director General ng World Intellectual Property Organization (WIPO), kapwa nilang ipinahayag na dapat higpitan pa ang mga kooperasyong may kinalaman sa intellectual property rights (IPR).

 

Ipinahayag ni Shen na nitong ilang taong nakalipas, buong sikap na isinusulong ng CMG ang paggamit ng mga bagong teknolohiya sa pangangalaga sa IPR.

 

Nakahanda aniya ang CMG na higpitan pa, kasama ng WIPO, ang kooperasyon para palakasin ang ideya ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa IPR at isulong ang pag-unlad ng usaping pangangalaga sa IPR sa buong daigdig.

 

Hinangaan naman ni Tang ang mga natamong bunga ng CMG sa pangangalaga sa IPR. Sinabi niyang umaasa ang WIPO na mapapalalim ang kooperasyon sa CMG para magkasamang harapin ang hamon ng digital technology sa pangangalaga sa IPR.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil