Sa kanyang mensaheng pambati na ipinaabot Abril 25, 2023, sa General Assembly of Alliance for Cultural Heritage in Asia, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Asya ay mahalagang pinagmumulang lugar ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan na mayroong masaganang kultural na pamana.
Binigyan-diin niyang ang pagtatatag ng General Assembly of Alliance for Cultural Heritage in Asia ay makakatulong sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kultural na pamana sa Asya at pagpapalalim ng pagpapalitan ng sibilisasyong Asyano, ito rin ay nagbigay ng ambag para sa pag-unlad ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.
Sinabi rin ni Xi na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan sa iba’t ibang bansang Asyano sa loob ng framework ng alliance, aktibong pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa larangan ng kultural na pamana, itatag ang network ng diyalogo at kooperasyon ng sibilisasyon ng buong mundo, isulong ang pagkaunawa sa isa't isa ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa, para magkakasamang isulong ang pag-unlad ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.
Idinaos Abril, 25, 2023, sa lunsod Xi’an ng lalawigang Shaanxi ng Tsina, ang General Assembly of Alliance for Cultural Heritage in Asia.
Magkakasamang itinaguyod ito ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, Pambansang Administrasyon sa Kultural na Pamana ng Tsina, at lokal na pamahalaan ng lalawigang Shaanxi ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil