Nakipagtagpo Miyerkules, Abril 26, 2023 sa Beijing si Xi Jinping, Pangulong Tsino at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Truong Thi Mai, Miyembro ng Pulitburo, Pirmihang Miyembro ng Sekretaryat at Puno ng Organization Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Vietnam (CPV).
Idiniin ni Xi na bilang tugon sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig at kani-kanilang tungkulin sa pag-unlad at reporma ng dalawang bansa, dapat patatagin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal, pahigpitin ang kooperasyon, maayos na hawakan at kontrolin ang mga hidwaan at magkasamang harapin ang mga hamon.
Dapat rin pahigpitin ng dalawang bansa ang pagkakaisa at pagtutulungan sa mga suliraning pandaigdig at matatag na tutulan ang hegemonismo at bloc confrontation, para pangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito, dagdag pa ni Xi.
Ipinahayag ni Truong Thi Mai na palagiang inilalagay sa priyoridad ng diplomasya ng kanyang bansa ang pagpapasulong ng relasyon sa Tsina at iginigiit ang pakatarang isang Tsina.
Saad niyang kasama ng Tsina, nakahanda ang Byetnam na mainam na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng lider ng CPC at CPV.
Umaasa aniya ang Byetnam na pahihigpitin pa ang kooperasyon sa Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil