Tsina at 5 bansa sa Gitnang Asya: magkakasamang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito

2023-04-27 18:17:32  CMG
Share with:

Abril 26, 2023, sa magkakahiwalay na okasyon, nakipag-usap sa lunsod Xian ng lalawigang Shaanxi ng Tsina, si Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa mga Ministrong Panlabas ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Uzbekistan, at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Turkmenistan.

 

Ang FM ng naturang mga bansa ay dumalaw sa Tsina at lumahok sa Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina-Gitnang Asya. 

Sa mga pag-uusap, binigyan-diin ni Qin na buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang mga bansa sa Gitnang Asya na piliin ang landas ng pag-unlad ayon sa kalagayan ng kanilang sariling bansa; palalakasin ng Tsina ang koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Asya sa loob ng framework ng United Nations (UN), Shanghai Cooperation Organization (SCO), para magkakasamang mapangalagaan ang pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig at ang pandaigdigang sistemang gawing UN bilang sentro para mapangalagaan ang katuwiran at katarungan ng daigdig.

 

Ipinahayag ng mga FM ng naturang 5 bansa na ang modernisasyong Tsino ay nagdudulot ng bagong pagkakataon para sa Gitnang Asya at buong daigdig. Suportahan anila ng kani-kanilang bansa ang serye ng global initiative at ideya na inilahad ng Tsina, at ang tamang paninindigan ng Tsina sa Taiwan, Xinjiang, Tibet at iba pang isyu, at tutulan ang pagsasapulitiko ng karapatang pantao.

 

Sinabi rin nilang palalakasin ang multilateral na koordinasyong pandaigdig, susuportahan ang pangangalaga sa nukleong kapakanan ng isa’t isa para mapangalagaan ang panrehiyong kapayapaan at katatagan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil