Pagdedeploy-militar ng Amerika, nagpapa-igting ng tensyon ng SCS – Tsina

2023-04-28 14:46:40  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Huwebes, Abril 27, 2023 ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na patuloy ang ginagawang pagde-deploy  ng mga sundalo at kagamitang-militar ng Amerika sa rehiyon ng South China Sea (SCS), at ito ang dahilan ng pag-igting ng tensyon sa rehiyon.

 

Aniya, ang Tsina ay may soberanya sa mga isla at karagatan sa paligid ng SCS, at ang mga konstruksyong ginawa sa mga isla at reef sa lugar ay lehitimong aksyon ng pagsasakatuparan ng pambansang soberanya.

 

Kaugnay ng pagdaragdag ng Amerika ng bilang ng mga Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa Pilipinas, sinabi ni Tan na dapat panatilihin ng mga bansa sa rehiyon ang mataas na alerto sa ganitong aksyon ng Amerika.

 

Inulit din niyang patuloy na pangangalagaan ng hukbong Tsino ang pambansang soberanya, teritoryo, katatagan at kapayapaan ng SCS.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio