Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Abril 27, 2023 sa Beijing kay Daren Tang, Direktor Heneral ng World Intellectual Property Organization (WIPO), ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na ang kanyang bansa ay aktibong tagapagtayo, mahalagang kontribyutor at matibay na tagapagtanggol ng pandaigdigang sistema ng karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR).
Palagian at lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa IPR, aniya pa.
Kasama ng WIPO, nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon at magkasamang harapin ang mga hamong dulot ng bagong teknolohiya at didyital na ekonomiya sa larangan ng IPR.
Ayon naman kay Tang, malaking bunga at progreso ang natamo ng Tsina sa larangan ng IPR nitong 50 taong nakalipas.
Kaugnay nito, isinasagawa aniya ng WIPO at Tsina ang malawak at malalim na kooperasyon sa mga larangan ng inobasyon, teknolohiya at didyitalisasyon.
Sa hinaharap, ibayo pang pahihigpitin ng WIPO ang kooperasyon sa Tsina para pasulungin ang inobasyon at pag-unlad ng buong daigdig, saad pa niya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio